Introduction to Silverlight MediaPlayer Control – Tagalized!

Oh, sige, sa tingin mo astig ang youtube.. daming videos! Sa sobrang astig, gusto mong gayahin kaya lang ni hindi mo alam san magsisimula. Kakapraning diba? Pwes, tapos na ang mga araw ng kapraningan mo at matututunan mo na ngayon kung paano maglagay at mag-play ng video sa isang webpage.

Mangangailangan ka ng ilang bagay:

1. Microsoft Visual Studio 2008

2. ASP.Net 3.5 Extensions

3. Silverlight Chainer

Simulan na natin. Ang gagawin natin ay, magsisindi ng Visual Studio 2008 na mayroon nang nakainstall na ASP.Net 3.5 Extensions at Silverlight SDK Tools na kasama sa Silverlight Chainer.

Isindi ang VS08 at gumawa ng isang bagong ASP.Net Web Application.

Kung maayos mong nainstall ang Chainer o Silverlight SDK, dapat ay mayroon ka nang mga silverlight tools sa iyong toolbox.

image

Malamang ay magulat ka dahil DRAG AND DROP na ngayon ang isang bagong control na kung tawagin ay.. tantananannnnn.. MediaPlayer! PERO! Bago ka magdagdag ng isang mediaplayer control, kailangan mo munang maglagay din ng isang ScriptManager sa iyong webpage sa loob ng kahit anong control na mayroong attribute na Runat="Server"

Ganito dapat ang maging itsura ng iyong code behind:

image

Sadya kong ipinakita ang Properties explorer para makita mo ito. (ang labo!)

Pansinin na ang media player control ay kasama na sa mga tools ng VS kaya’t marami kang maaring gawin. Pwede mo itong tawagin o isama sa isang repeater control. Kung mapapansin mo din, mayroon itong mga attribute o properties na maaring i-set sa design-time tulad ng Height at Width. Kung gusto mo pang malaman lahat ng mga properties ng mediaplayer control, tignan itong page tungkol sa mga properties ng isang media player control.

Ang ilan sa mga importante (para sa atin ngayon) na properties ng isang mediaplayer ay ang, Height, Width at MediaSource. Marami pa itong mga properties. Mayron din itong AutoRun na property para pagbukas ng webpage ay aandar ng kusa ang iyong video. Ngayon ay magdadagdag ako ng isang maikling video sa ating Web Application.

image

tapos ay hanapin ang iyong Video at idagdag ito sa iyong project.

Pagkatapos magdagdag ng Video, ang kailangan mo na lamang gawin ay ituro ito sa iyong mediaplayer control. Napakadali diba? At sa sobrang dali, ay may tatlong paraan upang gawin ito.

Una ay sa Source o sa MarkUp ng iyong page:

image

maari ring sa properties explorer:

image

at pwede rin sa tinatawag na SmartTag ng mismong mediaplayer control:

i-click ang DESIGN view ng VS08 IDE at makikita ang iyong mediaplayer control. Kapag itinapat mo sa kanya ang iyong mouse pointer ay lalabas ang tinatawag na smarttag sa bandang itaas sa kanan ng mismong mediaplayer control.

i-click ang smarttag at:

image

AYOS! May ikaapat pang paraan pero mamaya na ng konti. Alam ko kasi excited ka nang paandarin ang iyong webpage kaya paandarin mo na sa pamamagitan ng pagpindot ng F5 o pag-click ng Debug-Start Debugging at hintayin ang resulta.

image

AKALAIN MO YUN! UMANDAR!

O ayan, mayroon ka nang isang webpage na may mediaplayer control.

Para pahirapan ka ng kaunti, at para ipakita ang isa pang paraan para maglagay ng mediaplayer sa iyong webpage, ito naman ang ikaapat na paraan.. sa pamamagitan ng C#.

namespace VideoPlayingDemo
{
    public partial class _Default : System.Web.UI.Page
    {
        protected void Page_Load(object sender, EventArgs e)
        {
            addMediaPlayer();
        }
        private void addMediaPlayer()
        {
            string myMediaSource = "~/duck.wmv";
            System.Web.UI.SilverlightControls.MediaPlayer myPlayer = new System.Web.UI.SilverlightControls.MediaPlayer();
            myPlayer.MediaSource = myMediaSource;
            Form.Controls.Add(myPlayer);
        }
    }
}

May mga bagay akong sinadya dito.

Una, sinadya kong ilagay sa isang string variable na tinawag kong myMediaSource ang path ng video na ipapa-play natin sa ating mediaplayer para ipakita na maari mong gawing tinatawag na Databound ang ating mediaplayer control.

Ikalawa, sinadya kong isama ang "System.Web.UI.SilverlightControls." sa code para ipakita ang namespace na pagkukuhanan mo ng iyong mediaplayer control.

at Ikatlo, sadya kong inilagay sa bukod na Function ang paggawa ng mediaplayer at pagdagdag nito sa ating page para ipakita na maari itong ilagay sa isang bukod na function. (anlabo talaga…)

Kung hindi ka pa kuntento (lalo na sa itsura ngayon) ng ating mediaplayer, ay maglalagay pa ako ng isa pang blog para naman malaman kung paano baguhin ang tinatawag na SKIN o itsura ng  mediaplayer control.

Naiinip ka na bang matutunan iyon? Pwes, mapraning ka muna ulit!

Advertisements
This entry was posted in Computers and Internet. Bookmark the permalink.

2 Responses to Introduction to Silverlight MediaPlayer Control – Tagalized!

  1. Nathaniel says:

    Astig ok sa oright tong article mo pre, tagal ko na tong hinahanap mas klaro at maliwanag ang pag explain.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s