Migrate = Migraine?

Kahapon lang pinirmahan ko na as "Done" ang isa sa mga katatapos ko lang na tasks sa trabaho. Ang pag-migrate ng dalawang major e-commerce sites mula sa Framework 1.1 papuntang 3.5. At masasbi kong hindi naging masaya ang gawaing ito. Pero napakarami kong natutunan.
Gagawin kong sobrang basic ng pagpapaliwanag ko dito kung paano ito nagawa at dahil dalawang websites ang nai-migrate, sa tingin ko ay mas madali nating makikita ang pangit at magandang paraan ng pag migrate.

Sa simula pa lang ng migration ay may mga kailangan ka nang siguraduhin muna bago mo simulan kung ayaw mong magka leche-leche buhay mo.

Una – syempre kailangan ummandar at nagbuild ng maayos yung web-site (wala pang web application sa 1.1). Hindi magiging masaya kung magmimigrate ka ng may bug pa na website at hindi nag co-compile ng maayos. Kung gagwin mo ito, hahanapin kita at ihahampas ko yung keyboard mo sa mukha mo hanggang matauhan ka.

Pangalawa – kailangan ay maayos ang architecture at maayos ang code. Kailangan ay sumunod ka sa mga naka-set nang guidelines at standards sa paggawa ng isang wesbsite. Kapag hindi mo ito nagawa noong una pa, wala kang lugar sa mundo ng paggawa ng e-commerce website. Malulugi lang ang kumpanya sayo.

Ang dalawang mga kundisyon na yan, kapag natupad, sa tingin ko ay hindi naman masyadong magiging mahirap ang gawain ng pagmimigrate. Sa unang site na nai-migrate, ang mga ginawa ko ay ganito:

1. Kopyahin ang buong site kasama ang IIS settings sa isang panibagong server. Dito mo gagawin ang migration sa server na ito. Siguraduhing parehong pareho ang mga path ng mga files na ililipat mo para hindi magkaroon ng problema. Sa IIS naman, pwedeng i-export sa isang xml file ang IIS settings at sa panibagong server ay maari kang gumawa ng isang website gamit ang nai-export na IIS Settings.

2. Siguraduhing mag-build sa ikalawang server ang project na inilipat mo.

3. May babaguhin ka sa IIS Settings. Gawing ASP.Net 2.0.507 ang setting mula ASP.Net 1.something…

4. Buksan ang project sa pamamagitan ng Visual Studio 2008 (Team Suite ang gamit ko). Yung prj file ha, huwag yung solution. Si .Net na ang bahalang gumawa ng solution file para sayo.

5. Sa pagbukas mo ng project, aandar ang migration wizard at hayaan mo lang itong matapos. Kung walang problema, syempre hindi matatapos. momoink ka pala eh.

Ang mga aasahan mong gagawa ng problema:
1. Mga tinatawag na 3rd party components na maaring hindi compliant o kilala ng Framework 3.5
2. Mga objects at dlls na hindi compliant sa Framework 3.5
Pinalad lang ako at ang project na nai-migrate ay walang mga ganitong problema.

6. I-right click ang solution at piliin ang "Convert to Web Application". Dito ay gagawin na ng wizard na web application ang iyong website. Magbabago ang iyong application at madaragdagan ka ng ibang mga files tulad ng Designer at ng App_Code folder. Sa madaling salita… magiging Framework 3.5 na ang project mo!

may mga bagay kang kailangang baguhin sa code kung gusto mong 100% na Framework 3.5 na ang iyong website. Tulad sa page directive, papalitan mo ang "CodeBehind" at gagawin mong "CodeFile" ito. Hahanapin mo rin ang mga deprecated HTML tags at gagawin mong makabago pero ang mga gawaing ito ay hindi na yata sa migration kundi sa upgrade na kasama. 🙂

Sa puntong ito, nagsimula na ang gulo dahil mayroon akong nakalimutang gawin. Isinama ko ang mga folders ng frontpage extensions at ang source control bindings nung project! Sablay! hindi tuloy matanggal ang source control na sablay naman dahil nilipat nga sa ibang server di ba?

Ano ang dapat gawin? Kung tag-sipag ka, pwede mong tanggalan ng source control binding isa-isa ang bawat file ng buong project. Kaya lang, tamad ako kaya ang ginawa ko na lang ay…

Bago pa man ilipat ang project patungo sa ibang server, tanggalan mo na ng source control bindings. O kaya para mas maganda, mag-install ka ng source control sa paglilipatan na server at ang source control na ang gamiting pangkopya ng buong project.

Ayun! kaya sa ikalawang site na nai-migrate, ang source control na ang ginamit panlipat o pangkopya ng source control unbound na project at naging matiwasay naman ang pag-migrate mula 1.1 papuntang 3.5..

Advertisements
This entry was posted in Computers and Internet. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s