Snippets – Tagalized!

Nakakita na ba kayo ng nag-demo ng pagprogram, tapos may itinayp lang na dalawa o tatlong letra tapos biglang may lumabas na kumpleto nang code, at ikaw ay labis na nahiwagaan? Walang mahikang kasali sa presentasyon na iyong nakita, marahil ang ginamit lamang ay ang tinatawag na Snippet.

Ang Snippets ay mga piraso ng code na nagpapabilis ng trabaho. Ito ay ginagamit ng mga programmers na malimit na may presentasyon ng mga bagong teknolohiya o paraan ng pagprogram at nais nilang makatipid ng oras, at panatiliin ang kanilang hawak sa inaantok na nilang mga tagapakinig tulad ng mga taong ito. 🙂

Maari ring gamitin ang snippets ng mga developers. May mga pagkakataon na may isinusulat ang isang developer ng paulit-ulit sa kanyang application. Tulad ng mga komento sa itaas ng isang class, o function. Sa paggamit ng snippets, ang pagsusulat na ito ay maaring paiksiin.

Ang katotohanan niyan, ang snippet ay isang file din, na iyong gagawin. Ito ay may extension na ".snippet" at ang laman nito ay sumusunod sa format ng isang simpleng XML file.

ito ay isang halimbawa ng isang simpleng snippet file:

<?xml version="1.0" encoding="utf-8"?>
<CodeSnippets xmlns="http://schemas.microsoft.com/VisualStudio/2005/CodeSnippet">
  <CodeSnippet Format="1.0.0">
    <Header>
      <Title>SnippetDemo</Title>
      <Author></Author>
      <Description></Description>
      <HelpUrl></HelpUrl>
      <SnippetTypes />
      <Keywords />
      <Shortcut>snip1</Shortcut>
    </Header>
    <Snippet>
      <References />
      <Imports />
      <Declarations />

<Code Language="CSharp" Delimiter="$">

<![CDATA[//==================================
// Class Name :    ClassNameGoesHere
// Made By    :    Eduardo Lorenzo
//==================================]]>

</Code>

    </Snippet>
  </CodeSnippet>
</CodeSnippets>

 

Maari mo itong baguhin sa kahit anong paraang gusto mo. Maari kang gumamit ng NotePad mula sa Microsoft, o iba pang software na espesyal na ginawa para panulat ng isang snippet katulad ng Snippet Editor na maaring i-download mula dito.

Mapapansin mo sa halimbawang snippet, na ito ay kahawig ng isang XML file. Ang mga importanteng bahagi ng isang snippet file ay ang:

1. Title Tag – dito nakalagay bilang value ang Titulo o pangalan ng iyong Snippet.

2. Shortcut tag – dito naman ay nakalagay ang shortcut na itatayp mo sa iyong IDE para tawagin ang snippet mo.

3. Code Tag – dito naman nakalagay ang mismong code o mga letrang lalabas bilang iyong snippet. Ang Code Tag ay may attribute na Language kung saan nakalagay ang uri ng programming language na gagamitin para sa snippet na ito.

Paano isama ang snippet mo sa iyong IDE.

Simple lang naman. Kailangan lamang siguraduhing nagawa mo ang ilang mga bagay:

1. May nakahanda ka nang snippet file na may .snippet na extension.

2. Ang file na ito, kasama ng iba mo pang mga snippets, ay nakalagay sa iisang folder lamang.

Ang mga kailangan pang gawin ay:

Sa iyong IDE (Visual Studio Team System 2008 sa akin ngayon), hanapin at i-click ang Tools sa menu at kasunod na i-click ang Code Snippets Manager.

image

Ilalabas nito ang Code Snippets Manager dialog.

image

Sa code snippets manager dialog, piliin ang tamang programming language na iyong gagamitin mula sa DropDownList na may Label na Language. sa aking kaso, ang pipiliin ko ay C#.

image

Kasunod ay i-click ang Add… button at puntahan ang folder kung saan inilagay mo ang iyong snippet (SnippetDemo.snippet na nasa mySnippets folder sa aking desktop para sa hamilbawang ito) at i-click ang OK. Mapapansin na kasama na sa iyong Code Snippet Manager ang iyong folder at ang .snippet file sa loob nito.

image

I-Click ang OK at tapos ka na. Naidagdag mo na ang iyong snippet sa iyong IDE. Ang snippet na iyong idinagdag ay kasama at magagamit mo na sa tuwing gagamitin mo ang iyong IDE.

Para gamitin ang snippet, sa iyong Code Editor window, kapag kailangan mo na ang snippet mo, ang kailangan mo lang gawin ay i-type ang Shortcut na ibinigay mo sa snippet mo at pindutin nag TAB key sa iyong keyboard ng dalawang beses at ihanda ang iyong sarili upang mamangha sa iyong bagong kaalamang hawig sa salamangka.

Abra…

 image

kadabra! (pagkaraang pindutin ang TAB ng dalawang magkasunod beses)

image

Pahabol:

May mga nakausap na akong mga developer na lumipat mula VB papuntang C# at ang kadalasang naririnig ko ay "Ayos sana C# pero mas maganda intellisense support ng VB. Sa VB pag pindot mo ng ENTER pagka-type mo ng try lumalabas agad ang buong try.. catch construct."

Ngayon, sa C#, subukan mo i-type ang try at pindutin ang TAB key nag dalawang magkasunod na beses. Ayan, wala nang kapintasan ang C#.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s